Friday, October 23, 2009

Naku Po

Napakaraming araw na lumipas noong huli akong nakapagsulat. Naku po nakakalungkot at napakatagal na talaga. Mukhang inaamag na itong dalawang blog ko. Haaay... pero sa kabila ng lahat ako'y maligaya sa aking mga ginagawa ngayon. Kay bilis lumipas ng panahon hindi ko namalayan Oktubre na. Nakapagsulat man ako dito isang beses lang. May mga bagay ako na gusto gawin pero hindi talaga ukol at sa madaling salita hindi ko makuha ang mga ito. Pero alam ninyo lubos kung kinalulugod kung anuman ang meron ako ngayon. Hehehe ayoko na dumaan sa depresyon sa mga walang kuwentang bagay. Hindi man ninyo maintindihan kung anuman ang aking sinasabi mas maganda na ako na lang ang nakakaalam. Ah basta gusto ko na talaga magsulat.

Sunday, September 20, 2009

Pesbuk

Hindi ko akalain na ako ay sasali bilang tagasalin ng salitang Ingles sa Filipino sa isa sa mga sikat na sosyal networking. hahaha may oras pa kaya ako para dito. Marami sana ako gusto isulat kaya lang biglang lumilipad ang isip ko pag ako'y nakaharap na sa monitor. Aba teka may mga salitang Ingles yata na lumilitaw dito ah. Nakakapangilabot! nangangakati ako. Hahaha Nakakalungkot at madalang na ako magsulat nitong mga nakaraang buwan. Ngayon ko lang natanto na gusto ko pala magsulat. Dati ito ang gawain na kinamumuhian ko. Kaya ngayon isa ito sa mga naiisip kahit sobrang abala ko sa buhay ngayon.

Saturday, April 18, 2009

Kay Tagal

Kay tagal ko din hindi nakapagsulat dito sa aking blog na ito. Sa dami ng dahilan minsan din kasi ako'y tulala at hindi makapag-isip nang kung anuman. Sa dami at bilis ng pangyayari ang bilis din lumipas ng oras at hindi ko namalayan na 46 days na namatay ang aking ina. Sobrang bilis at eto matatapos na naman ang buwan ng Abril. Alam ninyo kahit na hindi ako nag-blog ng mga nakaraang linggo. Ako kasi ay kasalukuyang abala sa aking negosyo. Hahaha Nagbebenta ako ng mga damit. Ah basta sinusuot ng babae man o lalaki. Eto talaga ang hilig ko bukod sa pagluluto. Ako'y nasisiyahan kapag ako ay nakakabenta. Iba ang kaligayahang aking nararamdaman. Teka puro ako na lang lagi ang nagkuwento. Kayo ano ang pinakagusto ninyong gawin sa buhay? May sasagot naman kaya sa tanong ko. Tingnan natin...

Sunday, March 22, 2009

Biyaya sa Pagpapalibing

Ikaw ba ay miyembro ng SSS? At nakapaghulog ng kontribusyon kahit sampung (10) taon. Ang isa sa mga benipisyo na aking tinutukoy ay ang biyaya sa pagpapalibing. Ah basta pag ang isang miyembro ng SSS ay namatay, ang kanyang mga kaanak ay maaring kumuha ng benipisyo sa SSS na ang tawag ay biyaya sa pagpapalibing. Pero dapat kung hindi ang asawa ay anak ang kukuha. Kung ikaw ay naguguluhan at hindi mo alam kung saan sangay ka dapat kumuha. Sasabihin ko sa iyo kung saan dapat. Ako kasi ang naglalakad para sa aking yumaong ina. Kung gusto mo na isang araw lang at makukuha mo na ang ganitong klaseng benipisyo. Ito ang dapat ninyo gawin:

1. Kung saan nakatira ang miyembro malamang sa malapit na sangay nang SSS siya tumutungo.
2. Dapat sa parehong lugar din kayo kumuha ng punerarya at libingan.
3. Dapat nakapangalan sa kukuha ng benipisyo ang resibo ng punerarya.

Pero kung hindi man iyon mangyari at kagaya ko ang sitwasyon ninyo. Ito ang dapat mo gawin.

1. Kung saan nakatira ang kukuha ng benipisyo dapat sa malapit na sangay ng SSS siya pumunta. Kinasasakupan ng kanilang lugar.
2. Dapat umaga pa lang pumunta dahil limitado ang numero na kanilang tinatanggap sa araw-araw.
3. Maari lamang na manghingi ng “form” para iyong malaman ang mga dapat dalhin o ihanda.
4. Dapat sa empleyado ka ng SSS magtanong at hindi sa guwardiya. Sapagkat ang impormasyon na kanilang nalalaman 50% lamang at ang iba ay pawang mali.

Ang sumusunod ang mga dapat dalhin sa tanggapan ng SSS:

1. Ihanda ang sertipiko sa pagkamatay na rehistrado sa Lokal Sibil Registrar
2. Resibo sa punerarya o kontrata na nilagdaan ng parehong partido.
3. Filer’s Affidavit (kung sino ang kamag-anak na kumukuha ng benipisyo) na pinirmahan ng taong may dala ng aplikasyon.
4. 1x1 larawan ng filer
5. Bagong cedula at alinman sa sumusunod:
a. Marriage Contract (kung ang filer ay may asawa)
b. Birth Certificate (kung ang filer ay dalaga/binata)
c. Comelec ID
d. PRC ID
e. TIN ID
f. Company ID

6.Sulat galing sa taong ang pangalan ay nakalagay sa resibo na nagpapaliwanag kung bakit ibang tao ang naghain ng funeral benefit.

Sana ay ito ay makatulong sa inyo bago kayo maglakad ng ganitong klase ng benipisyo.

Wednesday, March 4, 2009

Pumanaw Na

Gusto ko lang iparating na aking ina ay pumanaw na. Matapos ang pakikipagbuno kay kamatayan March 4, 2009 8:30pm pumanaw na aking ina. Maraming salamat po sa lahat ng nag-alay ng dasal para sa kanya. Magkahalong emosyon ang aking nararamdaman dahil alam ko kung ano ang mga paghihirap na naranasan niya. Bilang panganay nakita ko ang mga kasawian niya sa buhay. Ang mga gustong niyang mangyari para sa aming mga anak niya. Kung puwede lang ibalik ang panahon at papipiliin siya ng kanyang mga desisyon, kung puwede lang naman. Alam ninyo maraming bagay na hindi kami madalas nagkakaintindihan pero bilang babae naiintidihan ko rin ang kanyang mga paghihirap. Ginupo siya ng kanyang karamdaman na naging depende na sa mga gamot. Ang huling niyang sakit ay hindi na maayos ang kanyang bato. Na kailangan niya nang salinan ng dugo. Noong March 2 galing kami ng kapatid ko sa Red Cross at doon bumili kami nang dugo. Hindi kami nakabili nang hinihingi ng doctor niya pero kung ano ang nandoon ay puwede na daw. Dapat kahapon magsusulat ako na hindi muna ako makakapag-blog sa kadahilanang masama ang pakiramdam ko. Hindi ko inaasahan na ang balitang ito ay titigil muna ako sa pagsulat sa sandaling panahon. Maraming salamat sa lahat nang makikiramay.

Monday, March 2, 2009

Nanalo Ako

Yehey! Tagalog ba iyan ah basta nanalo ako. Ang napanalunan ko konsolasyon lamang pero maganda na rin kesa wala di ba. Nanalo ako ng...

10. 300 EC + ad space - Winner - Katha ni Sam
300 EC - Travel And Explore Germany
125x125 ad space for 1 month - PhotoMIAHgraphy

Sandali lang at gagamit tayo ng Ingles para maintindihan tayo ng sponsor.To the sponsor please send my ec credits to Show Me Your Interest and Miah please used my logo in that site too. Ayoko naman ilagay itong blog na ito sa iyong blog sa kadahilanan na ito'y tagalog. Mas maganda na rin siguro kung Ingles na rin kung magkakaroon ng patalastas sa ibang blog. Hehehe

Alam ninyo hindi ako suwerte sa random.org o kahit anong contest na may raffle. Naku mahina ang ating karisma pagdating sa mga bagay na iyan. Pero ako'y natutuwa at nanalo ako sa pakontest ni Genny.

Wednesday, February 25, 2009

Bata

Lumipat na nang bahay sila Roy. Ang batang kapitbahay ko. Hindi ko na maririnig ang kanyang mga pag-iyak sa tuwing siya'y papaluin ng kanyang tanging ina. Hindi ko nga malaman kung ako ay nalulungkot o masaya. Nalulungkot dahil lumipat na ang kapitbahay ko. Masaya dahil wala ng maingay sa paligid. Ah ewan ko ba? Eto na lang sa kanilang paglipat. Nawa siya'y di na saktan ng kanyang tanging ina. Baka may mag-sumplong na sa kanya sa Bantay Bata.

Sa ngayon gusto ko ipaalam sa mga bata na may isinusulong na batas para sa mga sa atin. Ngek! matanda na nga pala ko. Ang batas na iyon ay tungkol sa pamamalo ng mga nakakatanda sa mga bata. Pag ang batas ay nakapasa sa kamara maraming bata na ang matutuwa dahil hindi na sila masasaktan ninuman dahil puwede na nila itong isuplong sa kinauukulan.

Naku paano na lang iyong mga taong nakikita at naririnig ko. Sigawan ng sigawan sa mga anak nila. Nagagalit kapag nanakit ang mga bata ng kanilang mga kalaro. Eh samantalang sarili nilang anak ay sinasaktan nila. Paano mo maituturo sa mga bata ang dapat gawin samantalang ikaw mismo itinuturo mo ang hindi dapat. Ikaw na magulang sinasaktan mo ang iyong anak. Pinapamukha mo sa kanila na puwede silang manakit ng kapwa nila. Sa susunod may kuwento ako sa inyo na karimarimarim. Hanggang dito na lang at marami pa ko gagawin.

Monday, February 23, 2009

Sali Tayo!

Sali tayo habang may oras pa sa patimpalak ni Gen. Naku paano ba ito at ingles ang mga nakasulat sa ibaba. Dudugo ilong natin dito. Hahaha Pero teka susubukan ko isalin ito sa ating wika. Baka mapalo ako ni Rizal sa puwet at tinatangkilik ko ang wikang banyaga. Ipagpaumanhin ninyo ha kasi kung ano lang po ang makakayanan ng inyong abang lingkod iyon lang po ang masasalin sa wikang Filipino.


Unang Premyo: $30 + 20,500 EC

* Host niya ang blog mo ng isang taon - SEO Friendly Blog Directory
* Bago at natatanging desenyo ng iyong banner - Buy Templates - halagang $99
$10 + 500 EC - The Pride Of Hingotanan Bohol
$10 + 500 EC - Things I did Not Know Before
$10 + 500 EC - Unique Ideas For Your Beach Wedding
5000 EC - Whatever Comes To My Mind
2500 EC - Merydith's Place
4000 EC + 125x125 isang buwan na patalastas - Wonderful Things In Life
5000 EC + 125x125 isang buwan na patalastas - My Life's Adventure
2500 EC + 125x125 isang taon na patalastas - Hidden Gems from Untold Treasures
3 PR4 backlink para sa isang buwan at karagdagang 2 125x125 banner para sa isang buwan - Online Games
* Nita's Random Thoughts
* Bohol Paradise

Pangalawang Premyo: $20 + 19,000 EC

* 20GB Web Hosting para sa isang taon at 500EC - Glamorous-heart.info
* Bago at natatanging desenyo ng iyong banner - Buy Templates - halagang $99
$10 - Online Games
$5 + 1000 EC - Everything Under the Sun
$5 + 1000 EC - Opinion Pinoy
6000 EC - So Cute
3000 EC - The Holley Herald
1000 EC - Moolah Musings
5000 EC plus 125x125 isang buwan na patalastas - Show Me Your Interest **
1000 EC plus 125x125 isang buwan na patalastas - I Make Money Online
500 EC plus 125x125 isang buwan na patalastas - nameSherry
125x125 isang buwan na patalastas - Life's Journey
* Thomas Web Links
* Arts and Entertainment Center

3rd Prize: $15 + 15,000 EC

* Domain para sa isang taon - Life's Journey
* Isang natatanging logo mula sa Logo Angel - halagang $99
$5 + 500 EC - Spices of Life
$5 - Joro Livelihood
$5 - My Little Home
3000 EC - Unwakeable
2500 EC - History And Travel
2000 EC - Escape Games
1000 EC - Blessings and Beyond
1000 EC - Pink Thoughts
1000 EC - Definitely Maybe**
2000 EC plus 125x125 isang buwan na patalastas - e-Pamilya
1000 EC plus 125x125 isang buwan na patalastas - Bryan Karl
1000 EC plus 125x125 isang buwan na patalastas - PrettyStepDaughters
125x125 isang buwan na patalastas - The Designers Blog
* Thomas Travel Tales
* Great Finds and Deals

Pang-apat na Premyo: $10 + 13,000 EC

* Libreng Domain para sa isang taon - Pinay Mommy Online
* Wordpress Template mula sa Buy Templates - halagang $60
$5 - Love in Distance
$5 + 1000 EC - Cooking's fun
2000 EC - Learn, Love, and Laugh Thru Blogging
2000 EC - A Moment To Exhale
2000 EC - Anything Goes
2000 EC - Digital Scrapbook Freebies
1000 EC - The Ruby Posts
1000 EC - Everything PLUS the Kitchen Sink**
500 EC at 125x125 isang buwan na patalastas - Denise's Tips and More
1000 EC at 125x125 isang buwan na patalastas - Blogs Contests
500 EC at text links na isang buwan - Chronic Chick Talk
125x125 isang buwan na patalastas - Love Is The Perfect Gift
* Batuananons
* (worth $10)PinayJadeDotCom

5TH Prize: $5 + 11,000 EC

* Wordpress Template mula sa Buy Templates - worth $60
$5 - Wonderful Things In Life
2000 EC -My Online Paradise
2000 EC - Colorful World
2000 EC - Cyber-Pchi
1000 EC - Mommy Emotes
1000 EC - One at a Time**
1000 EC at 125x125 isang buwan na patalastas - Blessings In Life
1000 EC at 125x125 isang buwan na patalastas - Jobs In Davao
1000 Ec at 125x125 isang buwan na patalastas - Just A Personal Blog
125x125 isang buwan na patalastas - The Joy Of Life Forever
* Nita's Corner
* Onine Giveaway Contest Directory

Pang-anim na Premyo: 9,000 EC

* Papagandahin ang blog mo - The Designers Blog
3000 EC - LadyJava's Lounge
2000 Ec - Aha Mama!
1500 EC - Serradinho.com
1000 EC - IndoContest
500 EC - MOMMAWANNABE
500 EC plus 125x125 isang buwan na patalastas - Dashing Beauty
500 EC plus 125x125 isang buwan na patalastas - Kharlota dot Com
125x125 isang buwan na patalastas - The Fountain Of Happiness
* Healthy Living and Lifestyle
* PR1 Glamorous-heart.info

Pang-pitong Premyo: 8,000 EC

* Desenyo ng header - SimplyWP
1000 EC - i LUV Contests
1000 EC - Posh Thoughts
1000 EC - Mary Anne's Musing
1000 EC - The Designer Chic
1000 EC - Made To Worship
1000 EC - Blog Tips and Tools Kit
1000 EC - My Daily Discourse
500 EC at 125x125 isang buwan na patalastas - Live Love Pink
500 EC at 125x125 isang buwan na patalastas - Lovely Pink
125x125 isang buwan na patalastas - MeiYah's Random Thoughts
* CompTechGadgets.com

Pang-walong Premyo: 7,000 EC

* Body Butter (50ml) libreng ipapadala sa iyo - All Natural Cosmetics
1000 EC - Rapid Shoots
1000 EC - Multidimension
1000 EC - Pinoy Blogger in Singapore
1000 EC - Pinoy Showbiz and Hollywood News
1000 EC - Make Money Online With Makoy
1000 EC - Makoy Pinoy Blogger
500 EC at 125x125 isang buwan na patalastas - Beauty Of Life
500 EC at 125x125 isang buwan na patalastas - Starts At two
125x125 isang buwan na patalastas - A Message From My Heart
* Filipino Online Community

Pang-siyam na Premyo: 6,000 EC

* Papagndahin ang blog mo - Femikey Designs
1000 Ec - Honeysweet Learning Center
1000 EC - Vsk8shop
1000 EC - Empowered Mom
1000 EC - Just The Tip Of The Iceberg
1000 EC - My Rendezvous
500 EC at 125x125 isang buwan na patalastas - Money Maker
500 EC at 125x125 isang buwan na patalastas - Tere's World
125x125 isang buwan na patalastas - Pinaymama's Diary
* Erlinda's Wandering Thoughts

10TH Prize: 5,000 EC

1000 EC - Programming The Life
1000 EC - Guilty Pleasures
1000 EC - My Point Of View
1000 EC - Ivory Tasks
500 EC at 125x125 isang buwan na patalastas - Shopping
500 EC at 125x125 isang buwan na patalastas - iLUVcontest
125x125 halaga ng patalastas sa blog niya ay $15 sa isang buwan lamang - Blazing Minds
* Work At Home Jobs

Consolasyon Premyo:

1. 1,000 EC + patalastas
500 EC - Twins Happpiness
500 EC - Love's Haven
125x125 isang buwan na patalastas - Another Contest

2. 1,000 EC + patalastas
500 EC - Affiliatizer.com
500 EC - There Is Happiness
125x125 isang buwan na patalastas - Sherry Contest

3. 1,000 EC + patalastas
500 EC - Scandals Prime dot COM
500 EC - Blogger Templates
125x125 isang buwan na patalastas - Sherry Rambling

4. 1,000 EC + patalastas
500 EC - The Pinay Blogger
500 EC - Heart Random
125x125 isang buwan na patalastas - Also Mommy

5. 1,000 EC + patalastas
500 EC - Crafty Pinay
500 EC - Musings of a Vicks Inhaling Man
125x125 isang buwan na patalastas - Simple Life, Simple Me

6. 1,000 EC + patalastas
500 EC - Wiehanne Lounge
500 EC - Asks Ms Recipe
125x125 isang buwan na patalastas - I Love/Hate America

7. 800 EC + patalastas
500 EC - Medan Daily
300 EC - Euroangel Graffiti
125x125 isang buwan na patalastas - Only In Silence

8. 600 EC + patalastas
300 EC - Travel And Discover USA
300 EC - The World Wide We Addict
125x125 isang buwan na patalastas - Life Expressions

9. 300 EC + patalastas
300 EC - My Daily Nourishment
125x125 isang buwan na patalastas - This Is So Me

10. 300 EC + patalastas
300 EC - Travel And Explore Germany
125x125 isang buwan na patalastas - PhotoMIAHgraphy

Espesyal na mga Premyo:
-> 1 libro - My Funny Dad, Harry - Sherry Contest
-> Semi-solid light red toddler hat, fits approx 2t-4t - John Doro
-> 1 Bungalow Brand Bestida halagang $65 - size 6 - Wonderful Things In Life
-> 1 Ashley Judd Bingo Shoes worth $40 - size 8.5 - My Life's Adventure
-> 1 Web color Expert Book worth 19.95 - The Joy Of Life Forever
-> 1 Web animation Expert book worth $24.95 - The Fountain Of Happiness
-> 1 God's Promises for Your Every Need Book worth $14.99 - A Message Of My Heart
-> 3 Sets of blank note cards - Love Is A Perfect Gift
-> 1 Hanes long sleeve crew neck solid color pink - Life's Journey
-> Mary Kay products worth $25 (perfume) - Filipina Stories

RULES:
1. Sa mga sasali kailangan ang blog ninyo ay dalawang (2) buwan na.
2. Para lang ito sa mga aktibong blogs para madali kayo matawagan.
3. Kailangan ilagay kung saang bansa kayo matatagpuan.
4. Ang mga sponsors ay pwede sumali.

Makaniko ng Patimpalak na Ito:
1. Subscribe to Wonderful Things In Life at sabihin ang email na ginamit niyo. 4 puntos

Enter your email address:

2. Gumawa ng katha tungkol sa patimpalak at isama ang sponsors links. 3 points
* Mas madaming blogs mas madaming entries

3. Ilagay ang banner na ito sa inyong sidebar. 2 points

Wonderful Things In Life



4. Mag-iwan ng komento kasama ang blog post link. 1 point

To submit please do it this way:
Subscribe email:
Blog Entries:
Banner:
Leave comment:
Country Location:
Total Points:

5. Pag inilagay mo ang lokasyon ng inyong bansa ito ay - 1 point


Naku sumakit ang ulo ko sa pagsalin. Pag pasensyahan niyo na at ang ibang wika hindi ko alam ang katumbas sa ating wika.

Saturday, February 21, 2009

Akalain V

Teka teka teka lang... Aba nadagdagan na naman ng isa. Huh akala kung sino ito akalain mo si Milton ulit. Ang dami mo yata blogger account Blue. Tsk tsk tsk iba na talaga ang dumadami ang blogs, hindi ka naman nalula niyan. Mantakin mo pangatlo pa lang ito sa dami ng blogs mo. Paano niyo ba nakakayanan ang gawin iyan. Nakikita ninyo ang nasa baba na titulo ng blog. Iyan ang isa pa sa mga blogs ni Blue.


Minsan tinatawag ko siyang Bro. kaya lang sa ngayon ayoko nang gamitin ang katagang iyan. Sapagkat subalit datapwa't iyan ang tawag ni Santino kay Jesus. Kaya mas gugustuhin ko na sa kanya na lang din itawag iyon. Teka lang nagagawi ang usapan sa dako paroon.

Maibalik lang kay Blue, muli ako ay taos pusong atay balunbalunan nagpapasalamat sa patuloy na pagsuporta sa natatanging blog na ito. Bilang isang tagasunod na bagama't sa salita lamang eh ako pa rin ay nagagalak. Maraming salamat.

Tuesday, February 17, 2009

Ang Kuwento ni Roy

Si Roy Roy kung siya’y tawagin nila. Sa tingin ko siya mabait, makulit at matalinong bata. Siya ay 5 taong gulang pa lamang. Kapitbahay ko siya at naisipan ko siyang gawan ng katha dahil simula noong lumipat ako dito sa bago ko tirahan. Ang tangi kung naririnig ang iyak niya at hindi ang uha niya. Madalas kasi napapalo siya ng kanyang tanging ina na si Ces.

Isang araw naririnig ko sila mula alas dose ng tanghali hanggang alas kuatro ng hapon si Roy ay umiiyak. Nalaman ko na siya pala ay lalaban sa timpalak sa paaralan. Tinuturuan siya ng kanyang ina at tuwing magkakamali siya katumbas nito ay palo. Kaya noong araw na iyon madalang ang hindi niya pag-iyak. Kung puwede lang magboluntaryong magturo sa kanya ginawa ko na.

Eto ang mensahe ko para sa mga ina na tinuturuan ang kanilang mga anak sa bahay. Turuan ang mga bata ng pagkakaroon ng malawak na pang-unawa at hhhhhaaaaabbaaaannn ang inyong pasensya. Hindi dapat sanayin ang mga bata sa palo sa tuwing hindi sila makakasagot ng tama. Sapagkat ito’y hanap-hanapin nila sa tuwing sila ay magkakamali. O di kaya naman sila ang mananakit ng ibang bata. Taniman ng pagmamahal ang mga puso ng mga bata habang sila ay maliit pa… At hindi ng galit o poot.

“Kung ano ang itinanim ay siya rin ang aanihin”

Tuesday, February 10, 2009

Akalain IV

Aba teka meron na naman ako bagong tagasunod. Tsk tsk tsk iba na talaga ngayon ang bunsong blog na ito. Hindi mapigilan ang mga kaibigan ko sumunod. Ako po ay lubos na nagpapasalamat kay Milton alyas Blue sa mundo ng blog. Eto po ang kanyang blog pero ang alam ko madami siyang blog. Hindi lang iyan ang blog na nasa ibaba. Ang pamagat nito ay Pinoy Tayo pero ito ay hango pa rin sa wikang Ingles. Kailan kaya hindi dudugo ang ilong nating mga Pinoy sa wikang gamit ng mga blogero na ito.
Dahil meron mga bagay na hindi tayo mapigilan. Maganda na rin pag-usapan ang mga gawain na hindi mo kayang pigilan. Iyon bang mga bagay na kahit anong pigil talagang magpupumiglas. Kagaya ng pagdighay, pag-otot, pag-atsing at iba pa. Pero ito ay malaking sekreto na ngayon ninyo lang malalaman tungkol sa akin. Alam niyo ba na tuwing nangangati ang ilong ko hindi ko ito mapigilan kamutin at madalas pa may nakukuha akong k&%^&^ngot. Hahaha

Pasensya na Blue naisingit ko tuloy ang sekreto ko. Maraming salamat ulit at sana'y dalawin ninyo ang blog ng aking kaibigan.

Thursday, February 5, 2009

Akalain III

Unti-unti ng dumadami ang aking tagasunod sa blog na ito. Tumataginting na tatlo(ng) daan ah este tatlo lang pala sila. Hahaha Sa wakas nadagdagan ang tagasunod ng blog na ito. Alam ninyo kung sino ang magandang babae na sumunod dito sa akin. Walang iba kungdi ang aking ina sa mundo ng blog. Ewan ko ba kung bakit gusto ko siyang tawaging "Mama". Nagpaalam naman po ako bago ko iyon gawin, di ba Mama? Gusto ko lang din ipaalam sa inyo na hindi po tagalog ang blog niya. Ito po ay hango sa salitang Ingles at medyo sasakit lang ang ulo natin dito. Halos lahat ng blog niya ay paborito ko. Medyo nagkakapareho kami ng mga interest sa buhay. Subukan ninyo dalawin at basahin ang mga katha niya. Malay natin baka magustuhan niyo rin. Kung ako tatlo ang blog, siya naman apat pa lang naman. Mani lang sa kanya iyan. Huh! Puwede ninyo rin siya tanungin kung paano niya nagagawa iyan.
Mama salamat sa lahat ng suporta. Hindi ko pa maayos ang dalawang blog ko. Nahihirapan ako sa WP hindi ko masyadong kabisado. Hindi ko inidorso itong blog na ito sa kadahilanang hindi naman nila maiintindihan ang ating wika. Nakakahiya naman di ba bagama't ipinagmamalaki ko ang lahing Filipino sa pamamagitan ng aking mga katha. Kaya kung mapapansin ninyo hindi ako masyadong gumagamit ng salitang pinaiksi tulad ng konteksto ng pagpapadala ng teks sa inyong mobil. Maari minsan gumagamit ako ng salitang kalye o Ingles ibig sabihin lang nun eh hindi ko na kaya isalin sa ating wika.

Tuesday, February 3, 2009

Asim ng Kilikili

Ano ang gagawin mo pag naamoy mo ang pasabog ng kilikili ng katabi mo?

a. Aalis o lalayo ka na lang ba?
b. Aamuyin mo ang kilikili mo? kc baka ikaw iyon.
k. Tatanungin mo rin sa kasama mo kung naamoy din niya.
d. Titiisin mo na lang ang amoy.

Una ang gagawin ko "b" muna amuyin ko kilikili ko baka mamaya ako iyon nakakahiya di ba. Pangalawa pag hindi talaga ako iyon eh di tatanungin ko na ang kasama ko kasi baka ako lang ang nakakaamoy. Hindi ko titiisin no magtatakip talaga ko ng ilong. Ayoko ko nga umalis eh paano kung nasa tren ako tapos umaandar pa ito. Toinks! puwede naman pala bumaba paghinto. Hahaha nahilo na ba kayo dahil sa asim ng kilikili ninyo o ng katabi niyo? Eto lang naman ay kuwentong kilikili ano at huwag masyadong dibdibin.

Friday, January 30, 2009

Buhay sa Tren

Ang buhay sa tren minsan madali, magaan, siksikan, at kung anu-ano pa. Nandyan iyong maka-amoy ka ng mabango, mabaho, amoy putok... hehehe Mabuti na lang matibay ang lola ninyo sa mga ganyang bagay at hindi agad nahihimatay. Ang buhay sa tren ay paraan na rin kung paano makilala ang Pinoy. Kanina ba naman dala ko ang gamit ko sa pag-gawa ng beads. Nasa gawing pintuan kami ni Nes (kasama ko po siyang guro). Tiningnan ko ang gawing gitna at ito'y maluwag pa. Kaya ang ginawa ko isiniksik ko ang aking malaking katawan at pinagkasya ito. Natapat ako sa may tatluhang upuan ngunit may apat na babaeng nakaupo dito. Ang babaeng nasa tapat ko ay bumaba sa kabilang istasyon. Samakatuwid ako ang uupo sa inupuan niya. Nang ako'y nakaupo na palibhasa ang laki ng balakang ko ang sabi ba naman ng babaeng nasa kaliwa ko "Aray! eh kasi pang-tatluhan lang naman talaga ito" Hindi na lang ako kumibo at mahirap magsalita. Naniniwala ako na may kapangyarihan ang salita ko kaya mas maganda na manahimik. Ang hanap ko ay katahimikan o kapayapaan ng aking pag-iisip. Iyan din ang sinabi ko kay Nes "ang taong naghahanap ng gulo ay makakakita ng giyera"

Friday, January 23, 2009

Mula sa A hanggang Z

Ito lang naman ay katuwaan tungkol sa akin. Kinalulugod ko na ipaalam sa inyo na galing ito sa kaibigan ko na si Kittykat. Naipangako ko sa kanya na isasalin ko ito sa ating wika. Sana lang makayanan ko ang pagsasalin ng wikang Ingles. hahaha

A. May Asawa o Nag-iisa? Wala bang doble kasi di naman ako nag-iisa may kasintahan kaya ako.
B. Matalik na Kaibigan? Marami sila at sa sobrang dami nagtatago sila ngayon.
C. Cake or pie? Aha eto di ko alam ang tagalog nito. Ngayon pareho ko na silang gusto.
D. Napiling Araw? Aba teka siyempre Linggo! Pampamilya ang araw na iyan at pang-sports pa.
E. Mahalagang Bagay? Ang aking telepono. Hindi iyong nakikita sa bahay ninyo ha. Mabigat iyon ilagay sa bag.
F. Paboritong Kulay? Bughaw, Dilaw at Berde
G. Makunatkunat na Oso o Uod? Nakakadire kayang kainin iyon.
H. Lalawigan? Manila
I. Paboritong gawin? eh di magsulat sa ng mailalagay sa mga blogs ko
J. Enero o Hulyo? Enero kasi umpisa ng taon.
K. Anak? Gusto ko niyan pero magpapasakal ah kasal muna ko.
L. Ang buhay ay hindi kumpleto kung wala sila? Pamilya at mga kaibigan.
M. Araw ng Kasal? hindi pa naiaayos... tsaka gabi na
N. Numero ng magasin na sinalihan: wala po akong pera
O. Dalandan o Mansanas? Pareho ko iyan na gusto. Mahilig po ako sa prutas.
P. Kinatatakutan? Mga bagay na mabibigla ako.
Q. Kasabihan? "Walang permanente sa mundo"
R. Dahilan para Ngumiti? Siyempre pag nakangiti alangan naman sumimangot ako. hahaha
S. Tag-araw o Tag-ulan? Tag-ulan huwag lang po bumaha.
T. Tag para sa 5 katao. Kwento ni Enday ayan lang po ang natatanging blog na kilala ko. Si Enday bowow...
U. Tagong katotohanan tungkol sa iyo? Na ako pala ay wala sa bait. Hahhaha
V. Gulay? lahat ng gulay gusto ko po.
W. Malalang Gawain? Sa ngayon medyo balanse ang buhay ko. Hindi ako mabigat o magaan.
X. X-ray or ultrasound? wala sa nabanggit.
Y. Paboritong Pagkain ? Isda, Manok, Gulay at Prutas
Z. Zodiac sign? Leo po ako. Hari ng kagubatan! Tarsan ikaw ba iyan?

Tuesday, January 20, 2009

Akalain II

Gusto ko ulit magpasalamat sa pangalawang taong sumunod sa blog na ito. Walang iba kung di si dyandyanraran....


Kaya lang mas lalo magdudugo ang ilong ninyo dito. Bukod sa Ingles na eh tungkol pa sa pag-oopera. Hindi ba't nakakagulantang ang blog na iyan.

Bukod sa pagpapasalamat ko kay Satya ay nais ko din pasalamatan ang mga taong nanalangin sa aking ina. Ang inyong mga dasal ay higit pa sa kahit anong bagay na nandirito sa mundo. Nais ko pasalamatan si... Father Fiel na naghandog ng misa...



si Bongflo...



at ang aking tunay at pinakamamahal na kaibigan... baka malula at himatayin kyo sa dami ng blog niya. Pero puwede ninyo bisitahin ang mga iyan, huwag na huwag kayo mahihiya.



Iyong isa pala dyan ay sa asawa niya kaya sampu lang naman ang sa kanya diyan. Isang malaking karangalan ang makikila kayo na handang tumulong sa nangangailangan.

Teka lang, muntik ko na makalimutan ang nagbigay ng dugo sa hospital walang iba kundi ang kaibigan ko na si Donna June F. Mortell... at si Allan Icasiano na naghatid sa amin papauwi ng Rizal.

Nawa'y pagpalain kayo ng Diyos at ang buong pamilya ninyo. Ang panalangin ko ay maging malusog ang inyong pangangatawan at lahat ng pasanin sa buhay ay magaan ninyong dalhin.

Tuesday, January 13, 2009

Kailangan Ko

Sa lahat po ng makakabasa ng panulat na ito. Humingi po ako ng tulong... hindi naman po damit o pera. Isang panalangin po sa aking natatanging ina... siya po ngayon ay may sakit sa bato. Ang sabi ng doktor kailangan ng dialysis pero ang aking ama ay hindi pumayag. Sa kadahilanan na hindi kakayanin ng kanyang puso. Sa tingin ko mas alam nya kung ano ang nararapat para sa aking ina. Kung anuman ang mangyari itinataas ko na po ito sa Diyos. Siya lang ang puwedeng gumawa ng imposible sa ganitong sitwasyon.

Sa lahat ng magbibigay ng tulong na kailangan ko maraming, maraming, maraming salamat... Nawa'y kayo ay pagpalain ng Maykapal sa inyong mga hinihiling.

Friday, January 9, 2009

Bagong Taon

Ang hatid ng bagong taon ay pag-asang kay ganda...
Gusto ko mapanatili ang positibong pananaw na nakatanim sa puso ko...
Hindi ako ginawa sa mundong ibabaw para gawin ng kapaligiran ko...
Iyan ang napapala ko sa aking pagsusulat sa aking mga blogs
Naalala at natatandaan ko ang aking mga sinusulat...
Na dapat hindi pinapatulan ang mga taong galit at maraming hinanakit sa mundo
Isang halakhak at may kasamang halak ang bigay ko sa inyo...

Mabuhay tayong lahat sapagkat anak tayo ng Diyos.
Nawa'y maganda at positibong taon meron kayo sa inyong kalooban.
Mahalin ang sarili upang makapagmahal din ng iba...