Tuesday, February 10, 2009

Akalain IV

Aba teka meron na naman ako bagong tagasunod. Tsk tsk tsk iba na talaga ngayon ang bunsong blog na ito. Hindi mapigilan ang mga kaibigan ko sumunod. Ako po ay lubos na nagpapasalamat kay Milton alyas Blue sa mundo ng blog. Eto po ang kanyang blog pero ang alam ko madami siyang blog. Hindi lang iyan ang blog na nasa ibaba. Ang pamagat nito ay Pinoy Tayo pero ito ay hango pa rin sa wikang Ingles. Kailan kaya hindi dudugo ang ilong nating mga Pinoy sa wikang gamit ng mga blogero na ito.
Dahil meron mga bagay na hindi tayo mapigilan. Maganda na rin pag-usapan ang mga gawain na hindi mo kayang pigilan. Iyon bang mga bagay na kahit anong pigil talagang magpupumiglas. Kagaya ng pagdighay, pag-otot, pag-atsing at iba pa. Pero ito ay malaking sekreto na ngayon ninyo lang malalaman tungkol sa akin. Alam niyo ba na tuwing nangangati ang ilong ko hindi ko ito mapigilan kamutin at madalas pa may nakukuha akong k&%^&^ngot. Hahaha

Pasensya na Blue naisingit ko tuloy ang sekreto ko. Maraming salamat ulit at sana'y dalawin ninyo ang blog ng aking kaibigan.

1 comment:

Good Filipino said...

wow naman :) isa ako sa featured tagasunod :) hehehe salamat po :)