Isang araw naririnig ko sila mula alas dose ng tanghali hanggang alas kuatro ng hapon si Roy ay umiiyak. Nalaman ko na siya pala ay lalaban sa timpalak sa paaralan. Tinuturuan siya ng kanyang ina at tuwing magkakamali siya katumbas nito ay palo. Kaya noong araw na iyon madalang ang hindi niya pag-iyak. Kung puwede lang magboluntaryong magturo sa kanya ginawa ko na.
Eto ang mensahe ko para sa mga ina na tinuturuan ang kanilang mga anak sa bahay. Turuan ang mga bata ng pagkakaroon ng malawak na pang-unawa at hhhhhaaaaabbaaaannn ang inyong pasensya. Hindi dapat sanayin ang mga bata sa palo sa tuwing hindi sila makakasagot ng tama. Sapagkat ito’y hanap-hanapin nila sa tuwing sila ay magkakamali. O di kaya naman sila ang mananakit ng ibang bata. Taniman ng pagmamahal ang mga puso ng mga bata habang sila ay maliit pa… At hindi ng galit o poot.
“Kung ano ang itinanim ay siya rin ang aanihin”
1 comment:
hi...nice blog
i have added u in my blogroll..hope u would return the favor
have a nice day!!!
my site is http://news.friendzworld.com
Post a Comment