Sunday, March 22, 2009

Biyaya sa Pagpapalibing

Ikaw ba ay miyembro ng SSS? At nakapaghulog ng kontribusyon kahit sampung (10) taon. Ang isa sa mga benipisyo na aking tinutukoy ay ang biyaya sa pagpapalibing. Ah basta pag ang isang miyembro ng SSS ay namatay, ang kanyang mga kaanak ay maaring kumuha ng benipisyo sa SSS na ang tawag ay biyaya sa pagpapalibing. Pero dapat kung hindi ang asawa ay anak ang kukuha. Kung ikaw ay naguguluhan at hindi mo alam kung saan sangay ka dapat kumuha. Sasabihin ko sa iyo kung saan dapat. Ako kasi ang naglalakad para sa aking yumaong ina. Kung gusto mo na isang araw lang at makukuha mo na ang ganitong klaseng benipisyo. Ito ang dapat ninyo gawin:

1. Kung saan nakatira ang miyembro malamang sa malapit na sangay nang SSS siya tumutungo.
2. Dapat sa parehong lugar din kayo kumuha ng punerarya at libingan.
3. Dapat nakapangalan sa kukuha ng benipisyo ang resibo ng punerarya.

Pero kung hindi man iyon mangyari at kagaya ko ang sitwasyon ninyo. Ito ang dapat mo gawin.

1. Kung saan nakatira ang kukuha ng benipisyo dapat sa malapit na sangay ng SSS siya pumunta. Kinasasakupan ng kanilang lugar.
2. Dapat umaga pa lang pumunta dahil limitado ang numero na kanilang tinatanggap sa araw-araw.
3. Maari lamang na manghingi ng “form” para iyong malaman ang mga dapat dalhin o ihanda.
4. Dapat sa empleyado ka ng SSS magtanong at hindi sa guwardiya. Sapagkat ang impormasyon na kanilang nalalaman 50% lamang at ang iba ay pawang mali.

Ang sumusunod ang mga dapat dalhin sa tanggapan ng SSS:

1. Ihanda ang sertipiko sa pagkamatay na rehistrado sa Lokal Sibil Registrar
2. Resibo sa punerarya o kontrata na nilagdaan ng parehong partido.
3. Filer’s Affidavit (kung sino ang kamag-anak na kumukuha ng benipisyo) na pinirmahan ng taong may dala ng aplikasyon.
4. 1x1 larawan ng filer
5. Bagong cedula at alinman sa sumusunod:
a. Marriage Contract (kung ang filer ay may asawa)
b. Birth Certificate (kung ang filer ay dalaga/binata)
c. Comelec ID
d. PRC ID
e. TIN ID
f. Company ID

6.Sulat galing sa taong ang pangalan ay nakalagay sa resibo na nagpapaliwanag kung bakit ibang tao ang naghain ng funeral benefit.

Sana ay ito ay makatulong sa inyo bago kayo maglakad ng ganitong klase ng benipisyo.

No comments: