Friday, January 30, 2009

Buhay sa Tren

Ang buhay sa tren minsan madali, magaan, siksikan, at kung anu-ano pa. Nandyan iyong maka-amoy ka ng mabango, mabaho, amoy putok... hehehe Mabuti na lang matibay ang lola ninyo sa mga ganyang bagay at hindi agad nahihimatay. Ang buhay sa tren ay paraan na rin kung paano makilala ang Pinoy. Kanina ba naman dala ko ang gamit ko sa pag-gawa ng beads. Nasa gawing pintuan kami ni Nes (kasama ko po siyang guro). Tiningnan ko ang gawing gitna at ito'y maluwag pa. Kaya ang ginawa ko isiniksik ko ang aking malaking katawan at pinagkasya ito. Natapat ako sa may tatluhang upuan ngunit may apat na babaeng nakaupo dito. Ang babaeng nasa tapat ko ay bumaba sa kabilang istasyon. Samakatuwid ako ang uupo sa inupuan niya. Nang ako'y nakaupo na palibhasa ang laki ng balakang ko ang sabi ba naman ng babaeng nasa kaliwa ko "Aray! eh kasi pang-tatluhan lang naman talaga ito" Hindi na lang ako kumibo at mahirap magsalita. Naniniwala ako na may kapangyarihan ang salita ko kaya mas maganda na manahimik. Ang hanap ko ay katahimikan o kapayapaan ng aking pag-iisip. Iyan din ang sinabi ko kay Nes "ang taong naghahanap ng gulo ay makakakita ng giyera"

Friday, January 23, 2009

Mula sa A hanggang Z

Ito lang naman ay katuwaan tungkol sa akin. Kinalulugod ko na ipaalam sa inyo na galing ito sa kaibigan ko na si Kittykat. Naipangako ko sa kanya na isasalin ko ito sa ating wika. Sana lang makayanan ko ang pagsasalin ng wikang Ingles. hahaha

A. May Asawa o Nag-iisa? Wala bang doble kasi di naman ako nag-iisa may kasintahan kaya ako.
B. Matalik na Kaibigan? Marami sila at sa sobrang dami nagtatago sila ngayon.
C. Cake or pie? Aha eto di ko alam ang tagalog nito. Ngayon pareho ko na silang gusto.
D. Napiling Araw? Aba teka siyempre Linggo! Pampamilya ang araw na iyan at pang-sports pa.
E. Mahalagang Bagay? Ang aking telepono. Hindi iyong nakikita sa bahay ninyo ha. Mabigat iyon ilagay sa bag.
F. Paboritong Kulay? Bughaw, Dilaw at Berde
G. Makunatkunat na Oso o Uod? Nakakadire kayang kainin iyon.
H. Lalawigan? Manila
I. Paboritong gawin? eh di magsulat sa ng mailalagay sa mga blogs ko
J. Enero o Hulyo? Enero kasi umpisa ng taon.
K. Anak? Gusto ko niyan pero magpapasakal ah kasal muna ko.
L. Ang buhay ay hindi kumpleto kung wala sila? Pamilya at mga kaibigan.
M. Araw ng Kasal? hindi pa naiaayos... tsaka gabi na
N. Numero ng magasin na sinalihan: wala po akong pera
O. Dalandan o Mansanas? Pareho ko iyan na gusto. Mahilig po ako sa prutas.
P. Kinatatakutan? Mga bagay na mabibigla ako.
Q. Kasabihan? "Walang permanente sa mundo"
R. Dahilan para Ngumiti? Siyempre pag nakangiti alangan naman sumimangot ako. hahaha
S. Tag-araw o Tag-ulan? Tag-ulan huwag lang po bumaha.
T. Tag para sa 5 katao. Kwento ni Enday ayan lang po ang natatanging blog na kilala ko. Si Enday bowow...
U. Tagong katotohanan tungkol sa iyo? Na ako pala ay wala sa bait. Hahhaha
V. Gulay? lahat ng gulay gusto ko po.
W. Malalang Gawain? Sa ngayon medyo balanse ang buhay ko. Hindi ako mabigat o magaan.
X. X-ray or ultrasound? wala sa nabanggit.
Y. Paboritong Pagkain ? Isda, Manok, Gulay at Prutas
Z. Zodiac sign? Leo po ako. Hari ng kagubatan! Tarsan ikaw ba iyan?

Tuesday, January 20, 2009

Akalain II

Gusto ko ulit magpasalamat sa pangalawang taong sumunod sa blog na ito. Walang iba kung di si dyandyanraran....


Kaya lang mas lalo magdudugo ang ilong ninyo dito. Bukod sa Ingles na eh tungkol pa sa pag-oopera. Hindi ba't nakakagulantang ang blog na iyan.

Bukod sa pagpapasalamat ko kay Satya ay nais ko din pasalamatan ang mga taong nanalangin sa aking ina. Ang inyong mga dasal ay higit pa sa kahit anong bagay na nandirito sa mundo. Nais ko pasalamatan si... Father Fiel na naghandog ng misa...



si Bongflo...



at ang aking tunay at pinakamamahal na kaibigan... baka malula at himatayin kyo sa dami ng blog niya. Pero puwede ninyo bisitahin ang mga iyan, huwag na huwag kayo mahihiya.



Iyong isa pala dyan ay sa asawa niya kaya sampu lang naman ang sa kanya diyan. Isang malaking karangalan ang makikila kayo na handang tumulong sa nangangailangan.

Teka lang, muntik ko na makalimutan ang nagbigay ng dugo sa hospital walang iba kundi ang kaibigan ko na si Donna June F. Mortell... at si Allan Icasiano na naghatid sa amin papauwi ng Rizal.

Nawa'y pagpalain kayo ng Diyos at ang buong pamilya ninyo. Ang panalangin ko ay maging malusog ang inyong pangangatawan at lahat ng pasanin sa buhay ay magaan ninyong dalhin.

Tuesday, January 13, 2009

Kailangan Ko

Sa lahat po ng makakabasa ng panulat na ito. Humingi po ako ng tulong... hindi naman po damit o pera. Isang panalangin po sa aking natatanging ina... siya po ngayon ay may sakit sa bato. Ang sabi ng doktor kailangan ng dialysis pero ang aking ama ay hindi pumayag. Sa kadahilanan na hindi kakayanin ng kanyang puso. Sa tingin ko mas alam nya kung ano ang nararapat para sa aking ina. Kung anuman ang mangyari itinataas ko na po ito sa Diyos. Siya lang ang puwedeng gumawa ng imposible sa ganitong sitwasyon.

Sa lahat ng magbibigay ng tulong na kailangan ko maraming, maraming, maraming salamat... Nawa'y kayo ay pagpalain ng Maykapal sa inyong mga hinihiling.

Friday, January 9, 2009

Bagong Taon

Ang hatid ng bagong taon ay pag-asang kay ganda...
Gusto ko mapanatili ang positibong pananaw na nakatanim sa puso ko...
Hindi ako ginawa sa mundong ibabaw para gawin ng kapaligiran ko...
Iyan ang napapala ko sa aking pagsusulat sa aking mga blogs
Naalala at natatandaan ko ang aking mga sinusulat...
Na dapat hindi pinapatulan ang mga taong galit at maraming hinanakit sa mundo
Isang halakhak at may kasamang halak ang bigay ko sa inyo...

Mabuhay tayong lahat sapagkat anak tayo ng Diyos.
Nawa'y maganda at positibong taon meron kayo sa inyong kalooban.
Mahalin ang sarili upang makapagmahal din ng iba...