Friday, January 23, 2009

Mula sa A hanggang Z

Ito lang naman ay katuwaan tungkol sa akin. Kinalulugod ko na ipaalam sa inyo na galing ito sa kaibigan ko na si Kittykat. Naipangako ko sa kanya na isasalin ko ito sa ating wika. Sana lang makayanan ko ang pagsasalin ng wikang Ingles. hahaha

A. May Asawa o Nag-iisa? Wala bang doble kasi di naman ako nag-iisa may kasintahan kaya ako.
B. Matalik na Kaibigan? Marami sila at sa sobrang dami nagtatago sila ngayon.
C. Cake or pie? Aha eto di ko alam ang tagalog nito. Ngayon pareho ko na silang gusto.
D. Napiling Araw? Aba teka siyempre Linggo! Pampamilya ang araw na iyan at pang-sports pa.
E. Mahalagang Bagay? Ang aking telepono. Hindi iyong nakikita sa bahay ninyo ha. Mabigat iyon ilagay sa bag.
F. Paboritong Kulay? Bughaw, Dilaw at Berde
G. Makunatkunat na Oso o Uod? Nakakadire kayang kainin iyon.
H. Lalawigan? Manila
I. Paboritong gawin? eh di magsulat sa ng mailalagay sa mga blogs ko
J. Enero o Hulyo? Enero kasi umpisa ng taon.
K. Anak? Gusto ko niyan pero magpapasakal ah kasal muna ko.
L. Ang buhay ay hindi kumpleto kung wala sila? Pamilya at mga kaibigan.
M. Araw ng Kasal? hindi pa naiaayos... tsaka gabi na
N. Numero ng magasin na sinalihan: wala po akong pera
O. Dalandan o Mansanas? Pareho ko iyan na gusto. Mahilig po ako sa prutas.
P. Kinatatakutan? Mga bagay na mabibigla ako.
Q. Kasabihan? "Walang permanente sa mundo"
R. Dahilan para Ngumiti? Siyempre pag nakangiti alangan naman sumimangot ako. hahaha
S. Tag-araw o Tag-ulan? Tag-ulan huwag lang po bumaha.
T. Tag para sa 5 katao. Kwento ni Enday ayan lang po ang natatanging blog na kilala ko. Si Enday bowow...
U. Tagong katotohanan tungkol sa iyo? Na ako pala ay wala sa bait. Hahhaha
V. Gulay? lahat ng gulay gusto ko po.
W. Malalang Gawain? Sa ngayon medyo balanse ang buhay ko. Hindi ako mabigat o magaan.
X. X-ray or ultrasound? wala sa nabanggit.
Y. Paboritong Pagkain ? Isda, Manok, Gulay at Prutas
Z. Zodiac sign? Leo po ako. Hari ng kagubatan! Tarsan ikaw ba iyan?

2 comments:

me said...

ang galing mo naman sis..nagwa mo talagang isalin sa Filipino...BInabati kita..hahahaha..

Gracey said...

hello, napadaan lan po.. exlinks?