Sunday, March 22, 2009

Biyaya sa Pagpapalibing

Ikaw ba ay miyembro ng SSS? At nakapaghulog ng kontribusyon kahit sampung (10) taon. Ang isa sa mga benipisyo na aking tinutukoy ay ang biyaya sa pagpapalibing. Ah basta pag ang isang miyembro ng SSS ay namatay, ang kanyang mga kaanak ay maaring kumuha ng benipisyo sa SSS na ang tawag ay biyaya sa pagpapalibing. Pero dapat kung hindi ang asawa ay anak ang kukuha. Kung ikaw ay naguguluhan at hindi mo alam kung saan sangay ka dapat kumuha. Sasabihin ko sa iyo kung saan dapat. Ako kasi ang naglalakad para sa aking yumaong ina. Kung gusto mo na isang araw lang at makukuha mo na ang ganitong klaseng benipisyo. Ito ang dapat ninyo gawin:

1. Kung saan nakatira ang miyembro malamang sa malapit na sangay nang SSS siya tumutungo.
2. Dapat sa parehong lugar din kayo kumuha ng punerarya at libingan.
3. Dapat nakapangalan sa kukuha ng benipisyo ang resibo ng punerarya.

Pero kung hindi man iyon mangyari at kagaya ko ang sitwasyon ninyo. Ito ang dapat mo gawin.

1. Kung saan nakatira ang kukuha ng benipisyo dapat sa malapit na sangay ng SSS siya pumunta. Kinasasakupan ng kanilang lugar.
2. Dapat umaga pa lang pumunta dahil limitado ang numero na kanilang tinatanggap sa araw-araw.
3. Maari lamang na manghingi ng “form” para iyong malaman ang mga dapat dalhin o ihanda.
4. Dapat sa empleyado ka ng SSS magtanong at hindi sa guwardiya. Sapagkat ang impormasyon na kanilang nalalaman 50% lamang at ang iba ay pawang mali.

Ang sumusunod ang mga dapat dalhin sa tanggapan ng SSS:

1. Ihanda ang sertipiko sa pagkamatay na rehistrado sa Lokal Sibil Registrar
2. Resibo sa punerarya o kontrata na nilagdaan ng parehong partido.
3. Filer’s Affidavit (kung sino ang kamag-anak na kumukuha ng benipisyo) na pinirmahan ng taong may dala ng aplikasyon.
4. 1x1 larawan ng filer
5. Bagong cedula at alinman sa sumusunod:
a. Marriage Contract (kung ang filer ay may asawa)
b. Birth Certificate (kung ang filer ay dalaga/binata)
c. Comelec ID
d. PRC ID
e. TIN ID
f. Company ID

6.Sulat galing sa taong ang pangalan ay nakalagay sa resibo na nagpapaliwanag kung bakit ibang tao ang naghain ng funeral benefit.

Sana ay ito ay makatulong sa inyo bago kayo maglakad ng ganitong klase ng benipisyo.

Wednesday, March 4, 2009

Pumanaw Na

Gusto ko lang iparating na aking ina ay pumanaw na. Matapos ang pakikipagbuno kay kamatayan March 4, 2009 8:30pm pumanaw na aking ina. Maraming salamat po sa lahat ng nag-alay ng dasal para sa kanya. Magkahalong emosyon ang aking nararamdaman dahil alam ko kung ano ang mga paghihirap na naranasan niya. Bilang panganay nakita ko ang mga kasawian niya sa buhay. Ang mga gustong niyang mangyari para sa aming mga anak niya. Kung puwede lang ibalik ang panahon at papipiliin siya ng kanyang mga desisyon, kung puwede lang naman. Alam ninyo maraming bagay na hindi kami madalas nagkakaintindihan pero bilang babae naiintidihan ko rin ang kanyang mga paghihirap. Ginupo siya ng kanyang karamdaman na naging depende na sa mga gamot. Ang huling niyang sakit ay hindi na maayos ang kanyang bato. Na kailangan niya nang salinan ng dugo. Noong March 2 galing kami ng kapatid ko sa Red Cross at doon bumili kami nang dugo. Hindi kami nakabili nang hinihingi ng doctor niya pero kung ano ang nandoon ay puwede na daw. Dapat kahapon magsusulat ako na hindi muna ako makakapag-blog sa kadahilanang masama ang pakiramdam ko. Hindi ko inaasahan na ang balitang ito ay titigil muna ako sa pagsulat sa sandaling panahon. Maraming salamat sa lahat nang makikiramay.

Monday, March 2, 2009

Nanalo Ako

Yehey! Tagalog ba iyan ah basta nanalo ako. Ang napanalunan ko konsolasyon lamang pero maganda na rin kesa wala di ba. Nanalo ako ng...

10. 300 EC + ad space - Winner - Katha ni Sam
300 EC - Travel And Explore Germany
125x125 ad space for 1 month - PhotoMIAHgraphy

Sandali lang at gagamit tayo ng Ingles para maintindihan tayo ng sponsor.To the sponsor please send my ec credits to Show Me Your Interest and Miah please used my logo in that site too. Ayoko naman ilagay itong blog na ito sa iyong blog sa kadahilanan na ito'y tagalog. Mas maganda na rin siguro kung Ingles na rin kung magkakaroon ng patalastas sa ibang blog. Hehehe

Alam ninyo hindi ako suwerte sa random.org o kahit anong contest na may raffle. Naku mahina ang ating karisma pagdating sa mga bagay na iyan. Pero ako'y natutuwa at nanalo ako sa pakontest ni Genny.