Saturday, February 21, 2009

Akalain V

Teka teka teka lang... Aba nadagdagan na naman ng isa. Huh akala kung sino ito akalain mo si Milton ulit. Ang dami mo yata blogger account Blue. Tsk tsk tsk iba na talaga ang dumadami ang blogs, hindi ka naman nalula niyan. Mantakin mo pangatlo pa lang ito sa dami ng blogs mo. Paano niyo ba nakakayanan ang gawin iyan. Nakikita ninyo ang nasa baba na titulo ng blog. Iyan ang isa pa sa mga blogs ni Blue.


Minsan tinatawag ko siyang Bro. kaya lang sa ngayon ayoko nang gamitin ang katagang iyan. Sapagkat subalit datapwa't iyan ang tawag ni Santino kay Jesus. Kaya mas gugustuhin ko na sa kanya na lang din itawag iyon. Teka lang nagagawi ang usapan sa dako paroon.

Maibalik lang kay Blue, muli ako ay taos pusong atay balunbalunan nagpapasalamat sa patuloy na pagsuporta sa natatanging blog na ito. Bilang isang tagasunod na bagama't sa salita lamang eh ako pa rin ay nagagalak. Maraming salamat.

No comments: