Tuesday, January 20, 2009

Akalain II

Gusto ko ulit magpasalamat sa pangalawang taong sumunod sa blog na ito. Walang iba kung di si dyandyanraran....


Kaya lang mas lalo magdudugo ang ilong ninyo dito. Bukod sa Ingles na eh tungkol pa sa pag-oopera. Hindi ba't nakakagulantang ang blog na iyan.

Bukod sa pagpapasalamat ko kay Satya ay nais ko din pasalamatan ang mga taong nanalangin sa aking ina. Ang inyong mga dasal ay higit pa sa kahit anong bagay na nandirito sa mundo. Nais ko pasalamatan si... Father Fiel na naghandog ng misa...



si Bongflo...



at ang aking tunay at pinakamamahal na kaibigan... baka malula at himatayin kyo sa dami ng blog niya. Pero puwede ninyo bisitahin ang mga iyan, huwag na huwag kayo mahihiya.



Iyong isa pala dyan ay sa asawa niya kaya sampu lang naman ang sa kanya diyan. Isang malaking karangalan ang makikila kayo na handang tumulong sa nangangailangan.

Teka lang, muntik ko na makalimutan ang nagbigay ng dugo sa hospital walang iba kundi ang kaibigan ko na si Donna June F. Mortell... at si Allan Icasiano na naghatid sa amin papauwi ng Rizal.

Nawa'y pagpalain kayo ng Diyos at ang buong pamilya ninyo. Ang panalangin ko ay maging malusog ang inyong pangangatawan at lahat ng pasanin sa buhay ay magaan ninyong dalhin.

4 comments:

Joy0z said...

Wahahaha hanep ka talaga sa lalim ng tagalog dear, nakakakilabot..super starring ako dito maraming salamat. Lagi kang kasama sa aking mga panalangin sampu ng iyong pamilya.

Sam said...

hindi ba maarok dear... hehehe ayoko ng barok na tagalog marami ng gumagamit nun. gusto ko ng linguahe na maiintindihan ni Rizal. Hahaha

Problem Solving of Surgery said...

Hi Sam, thank you. You have a post for me. I love your blog.

Sam said...

It's always a pleasure to be grateful...