Tuesday, January 13, 2009

Kailangan Ko

Sa lahat po ng makakabasa ng panulat na ito. Humingi po ako ng tulong... hindi naman po damit o pera. Isang panalangin po sa aking natatanging ina... siya po ngayon ay may sakit sa bato. Ang sabi ng doktor kailangan ng dialysis pero ang aking ama ay hindi pumayag. Sa kadahilanan na hindi kakayanin ng kanyang puso. Sa tingin ko mas alam nya kung ano ang nararapat para sa aking ina. Kung anuman ang mangyari itinataas ko na po ito sa Diyos. Siya lang ang puwedeng gumawa ng imposible sa ganitong sitwasyon.

Sa lahat ng magbibigay ng tulong na kailangan ko maraming, maraming, maraming salamat... Nawa'y kayo ay pagpalain ng Maykapal sa inyong mga hinihiling.

4 comments:

Felmar Castrodes Fiel said...

sam, ano name ng mother mo? i would like to say one mass for her...

Sam said...

Hi Father Fiel,

Maraming salamat po... Ang pangalan po niya: Virginia Non

Wala po akong masabi.

BongFlo said...

isasama ko sa aking dasal ang nanay mo sam. i also need you to do one thing... that is to believe and claim na gagaling na ang mom mo. if you ask for it in prayer, i claim mo na rin ang kagalingan nya. healing must come also for those who surround your mother, like you, your dad and siblings. the heart must be pure and sincere sa paghingi ng kagalingan at kung yan talaga ang desire ng puso ninyong lahat, maniwala ka at gagaling na ang iyong nanay. God Bless you sam! ciao!

Sam said...

Daddy Bong,

Maraming salamat po... di na talaga ko mkapagsalita.