Wednesday, March 4, 2009

Pumanaw Na

Gusto ko lang iparating na aking ina ay pumanaw na. Matapos ang pakikipagbuno kay kamatayan March 4, 2009 8:30pm pumanaw na aking ina. Maraming salamat po sa lahat ng nag-alay ng dasal para sa kanya. Magkahalong emosyon ang aking nararamdaman dahil alam ko kung ano ang mga paghihirap na naranasan niya. Bilang panganay nakita ko ang mga kasawian niya sa buhay. Ang mga gustong niyang mangyari para sa aming mga anak niya. Kung puwede lang ibalik ang panahon at papipiliin siya ng kanyang mga desisyon, kung puwede lang naman. Alam ninyo maraming bagay na hindi kami madalas nagkakaintindihan pero bilang babae naiintidihan ko rin ang kanyang mga paghihirap. Ginupo siya ng kanyang karamdaman na naging depende na sa mga gamot. Ang huling niyang sakit ay hindi na maayos ang kanyang bato. Na kailangan niya nang salinan ng dugo. Noong March 2 galing kami ng kapatid ko sa Red Cross at doon bumili kami nang dugo. Hindi kami nakabili nang hinihingi ng doctor niya pero kung ano ang nandoon ay puwede na daw. Dapat kahapon magsusulat ako na hindi muna ako makakapag-blog sa kadahilanang masama ang pakiramdam ko. Hindi ko inaasahan na ang balitang ito ay titigil muna ako sa pagsulat sa sandaling panahon. Maraming salamat sa lahat nang makikiramay.

1 comment:

Gem said...

Ay nalungkot ako sa post mo! At least handa na kayo sa pagpanaw niya.