Friday, November 21, 2008

Mabuhay

Isang malaking karangalan ang magkaroon ng tagalog na blog. Hindi ko alam kung kayo ay mapapatawa, mapapangiti o mapapasimangot ko. Hangga't maari iiwasan ko gumamit ng Ingles o mga salitang ginagamit sa inyong "selpun" (hahaha) Kung sakali man kayo ay natisod, natapilok, nadapa, o aksidenteng napindot ninyo itong blog na ito. Pagpasenyahan ninyo ang inyong abang lingkod at kakagawa pa lamang nito.

Gusto ko ipaalam sa inyo na tungkol ito sa isang bahagi ng utak ni Sam. Na hindi lamang siya seryoso at gusto lamang niya ipakita na siya din minsan ay hindi matino, may sayad o sadyang marunong din po siya magpatawa.

No comments: