Monday, November 24, 2008

Ang Buhay

Ang buhay nga nman sa Pinas. Hindi malaman kung saan patungo. Noong isang linggo nag-text ako sa kaibigan ko. Hinahanap ko kung nasaan siya dahil may itinitinda siya na produkto eh di sumagot agad siya. Parang mas madali kung gagawin ko itong usapan. Pero ang pangalan niya ay sekreto. hehehe

Sam: Asan ka sis?
Sekreto: Nasa Navotas ako, bakit?
Sam: Eh kasi may pinsan ako sumali sa patimpalak (beauty contest po yan) binigyan ako ng isang buklet na popular na tiket (popularity ticket din yan pero hindi ko sinabi ang halaga ng tiket) bebentahan sana kita.
Sekreto: ganun ba, medyo abala ako ngayon alam mo naman magpapasko dapat doble kayod, medyo mahina benta kc benta ng asawa ko ngayon dahil sa isyu ng AIG, magbabayad pa ako sa pinagkaka-utangan ko na si **toooot nitong darating na Disyembre.
Sam: Sige okay lang kung hindi ka bibili.

Wala ko masabi doon, pati ako hindi nakahinga sa haba ng sagot niya sa akin. Alam nyo ba kung magkano ang tiket na yaon tumatagingting na P2.00 opo tama ang basa mo dalawang piso lang bawat isa. Hindi ko naman sinabi sa kanya ang presyo kasi baka sumama ang loob niya. Sana mabasa niya ito para matawa na lang siya. Hahaha

No comments: