Wednesday, February 25, 2009

Bata

Lumipat na nang bahay sila Roy. Ang batang kapitbahay ko. Hindi ko na maririnig ang kanyang mga pag-iyak sa tuwing siya'y papaluin ng kanyang tanging ina. Hindi ko nga malaman kung ako ay nalulungkot o masaya. Nalulungkot dahil lumipat na ang kapitbahay ko. Masaya dahil wala ng maingay sa paligid. Ah ewan ko ba? Eto na lang sa kanilang paglipat. Nawa siya'y di na saktan ng kanyang tanging ina. Baka may mag-sumplong na sa kanya sa Bantay Bata.

Sa ngayon gusto ko ipaalam sa mga bata na may isinusulong na batas para sa mga sa atin. Ngek! matanda na nga pala ko. Ang batas na iyon ay tungkol sa pamamalo ng mga nakakatanda sa mga bata. Pag ang batas ay nakapasa sa kamara maraming bata na ang matutuwa dahil hindi na sila masasaktan ninuman dahil puwede na nila itong isuplong sa kinauukulan.

Naku paano na lang iyong mga taong nakikita at naririnig ko. Sigawan ng sigawan sa mga anak nila. Nagagalit kapag nanakit ang mga bata ng kanilang mga kalaro. Eh samantalang sarili nilang anak ay sinasaktan nila. Paano mo maituturo sa mga bata ang dapat gawin samantalang ikaw mismo itinuturo mo ang hindi dapat. Ikaw na magulang sinasaktan mo ang iyong anak. Pinapamukha mo sa kanila na puwede silang manakit ng kapwa nila. Sa susunod may kuwento ako sa inyo na karimarimarim. Hanggang dito na lang at marami pa ko gagawin.

No comments: