Unti-unti ng dumadami ang aking tagasunod sa blog na ito. Tumataginting na tatlo(ng) daan ah este tatlo lang pala sila. Hahaha Sa wakas nadagdagan ang tagasunod ng blog na ito. Alam ninyo kung sino ang magandang babae na sumunod dito sa akin. Walang iba kungdi ang aking ina sa mundo ng blog. Ewan ko ba kung bakit gusto ko siyang tawaging "Mama". Nagpaalam naman po ako bago ko iyon gawin, di ba Mama? Gusto ko lang din ipaalam sa inyo na hindi po tagalog ang blog niya. Ito po ay hango sa salitang Ingles at medyo sasakit lang ang ulo natin dito. Halos lahat ng blog niya ay paborito ko. Medyo nagkakapareho kami ng mga interest sa buhay. Subukan ninyo dalawin at basahin ang mga katha niya. Malay natin baka magustuhan niyo rin. Kung ako tatlo ang blog, siya naman apat pa lang naman. Mani lang sa kanya iyan. Huh! Puwede ninyo rin siya tanungin kung paano niya nagagawa iyan.
Mama salamat sa lahat ng suporta. Hindi ko pa maayos ang dalawang blog ko. Nahihirapan ako sa WP hindi ko masyadong kabisado. Hindi ko inidorso itong blog na ito sa kadahilanang hindi naman nila maiintindihan ang ating wika. Nakakahiya naman di ba bagama't ipinagmamalaki ko ang lahing Filipino sa pamamagitan ng aking mga katha. Kaya kung mapapansin ninyo hindi ako masyadong gumagamit ng salitang pinaiksi tulad ng konteksto ng pagpapadala ng teks sa inyong mobil. Maari minsan gumagamit ako ng salitang kalye o Ingles ibig sabihin lang nun eh hindi ko na kaya isalin sa ating wika.
The voice kids philippines season 2 finale grand finals ESANG "Somewhere...
-
ESANG you win our HEARTS! Whatever happens we are here for you.
9 years ago
4 comments:
Sasakit din ang ulo ko sa kakaisip sa pagsulat ng wikang Pilipino. Maraming salamat dito sa sinulat mo. Alam mo bang sa pagsulat lang ng komentong ito ay inabot na ako ng siyam-siyam? Medyo mabilis na nga ako magsuulat ng Pilipino ngayon dahil sa pagsali ko sa YahooGroup ng iskuwelahan ko dati. Ay naku Samantha, titigilan ko na ito dahil sumasakit na ang ulo ko. hahaha
Ay naku sumakit ang ulo ni Mama sa wika natin. tsk tsk tsk... mawawala din iyan. hehehe
uy :) sam pwede po ba adsense dito?? wala naman po ba memo dumating po sayo? kase puro tagalog post mo here :) just asking po if pwede ng magaya ka rin hehehehe :P
aba akalain mo :) heheheh kase po yung unang try ko magblog puro tagalog post ko! hindi ako na-approve ng adsense kaya ito tinanong po kita kung pwede na :) heheheheheh. Gandang umaga po sam na maganda
Post a Comment