Ang buhay sa tren minsan madali, magaan, siksikan, at kung anu-ano pa. Nandyan iyong maka-amoy ka ng mabango, mabaho, amoy putok... hehehe Mabuti na lang matibay ang lola ninyo sa mga ganyang bagay at hindi agad nahihimatay. Ang buhay sa tren ay paraan na rin kung paano makilala ang Pinoy. Kanina ba naman dala ko ang gamit ko sa pag-gawa ng beads. Nasa gawing pintuan kami ni Nes (kasama ko po siyang guro). Tiningnan ko ang gawing gitna at ito'y maluwag pa. Kaya ang ginawa ko isiniksik ko ang aking malaking katawan at pinagkasya ito. Natapat ako sa may tatluhang upuan ngunit may apat na babaeng nakaupo dito. Ang babaeng nasa tapat ko ay bumaba sa kabilang istasyon. Samakatuwid ako ang uupo sa inupuan niya. Nang ako'y nakaupo na palibhasa ang laki ng balakang ko ang sabi ba naman ng babaeng nasa kaliwa ko "Aray! eh kasi pang-tatluhan lang naman talaga ito" Hindi na lang ako kumibo at mahirap magsalita. Naniniwala ako na may kapangyarihan ang salita ko kaya mas maganda na manahimik. Ang hanap ko ay katahimikan o kapayapaan ng aking pag-iisip. Iyan din ang sinabi ko kay Nes "ang taong naghahanap ng gulo ay makakakita ng giyera"
No comments:
Post a Comment