Tuesday, January 4, 2011

Manigong Bagong Taon 2011

Sa lahat ng pinoy dito sa Pinas at sa ibang bansa maligayang bagong taon sa inyo! Nawa kayo ay masaya sa lahat nang aspeto sa buhay... Gaya ng dati wala ko masyado masabi. Basta magsipag lang kayo at hindi kayo magugutom. Natutunan ko iyan sa isang tiyuhin. Tama naman, kaya ngayong taon na ito maganda dahil tayo ay aasenso. Maniwala ka!

Monday, May 17, 2010

Tagamasid

Alam ninyo habang ako'y nagmamasid noong eleksiyon. may mga irregularidad akong nakita at hindi magandang halimbawa na ipinakita ng mga tao sa barangay namin. Biruin ninyo nakuha mangampanya ng asawa ng Punong Barangay namin sa loob ng presinto. Na alam naman nating lahat na ito'y pinagbabawal. Sabagay sabi nga nila malaya naman tayong gawin kung anuman ang gusto natin gawin. Kaya lang ito ay may kaakibat na mga parusa lalo na kung ito'y pinagbabawal. Dahil sa ginawa niya ako po ay gumawa ng liham at ipinasa ko sa abogado. Hindi ko lang alam kung hanggang saan ito makakarating.

Sunday, May 9, 2010

Mata ng Eleksiyon

Ngayong tinanggap ko maging tagamasid sa aming presinto dito sa Manila. Inaasahan ko na wala akong makikitang anumalya dahil kung hindi ewan ko na lang. Hehehe ang hirap naman manggaling sa lahi ng matatapang. Lalo na kung alam mo kung ano ang karapatan mo sa bansang kinagisnan mo. Sana po hindi lang tayo bumoto, tayo din po ay magmasid at bantayan ang ating mga boto. Dahil nakakadismaya kung hindi mananalo ang sambayanang Pilipino bagkus kung sinuman ang akda ng pandaraya. Ako man ay kinakabahan bukas pero ang alam ko na may Diyos na nagmamasid at hindi tutulutan ang masamang gawain na mangibabaw. Alam ko mananalo kung sinuman ang karapatdapat.

Sunday, February 21, 2010

Hahaha sa BenteSampu

Isang malaking halakhak para sa taong ito. Biruin mo ngayon lang ako nakapagsulat dito. Kung tatanungin mo mabuti naman po ang aking kalagayan mula noong tatlong buwan pananahimik. Siyempre mag-negosyo ka ba naman na ikaw lang ang gumagawa ng lahat ewan ko na lang sa akin, di ba? Sa ngayon nararanasan ko ang katamaran sa pagsusulat. Naku po! Kailan kaya ito matatapos? Kung kelan di ko rin alam. Basta ngayon ako'y nakikipagbuno sa aking mga kustomer. sige sa susunod na lang po.

Friday, October 23, 2009

Naku Po

Napakaraming araw na lumipas noong huli akong nakapagsulat. Naku po nakakalungkot at napakatagal na talaga. Mukhang inaamag na itong dalawang blog ko. Haaay... pero sa kabila ng lahat ako'y maligaya sa aking mga ginagawa ngayon. Kay bilis lumipas ng panahon hindi ko namalayan Oktubre na. Nakapagsulat man ako dito isang beses lang. May mga bagay ako na gusto gawin pero hindi talaga ukol at sa madaling salita hindi ko makuha ang mga ito. Pero alam ninyo lubos kung kinalulugod kung anuman ang meron ako ngayon. Hehehe ayoko na dumaan sa depresyon sa mga walang kuwentang bagay. Hindi man ninyo maintindihan kung anuman ang aking sinasabi mas maganda na ako na lang ang nakakaalam. Ah basta gusto ko na talaga magsulat.

Sunday, September 20, 2009

Pesbuk

Hindi ko akalain na ako ay sasali bilang tagasalin ng salitang Ingles sa Filipino sa isa sa mga sikat na sosyal networking. hahaha may oras pa kaya ako para dito. Marami sana ako gusto isulat kaya lang biglang lumilipad ang isip ko pag ako'y nakaharap na sa monitor. Aba teka may mga salitang Ingles yata na lumilitaw dito ah. Nakakapangilabot! nangangakati ako. Hahaha Nakakalungkot at madalang na ako magsulat nitong mga nakaraang buwan. Ngayon ko lang natanto na gusto ko pala magsulat. Dati ito ang gawain na kinamumuhian ko. Kaya ngayon isa ito sa mga naiisip kahit sobrang abala ko sa buhay ngayon.

Saturday, April 18, 2009

Kay Tagal

Kay tagal ko din hindi nakapagsulat dito sa aking blog na ito. Sa dami ng dahilan minsan din kasi ako'y tulala at hindi makapag-isip nang kung anuman. Sa dami at bilis ng pangyayari ang bilis din lumipas ng oras at hindi ko namalayan na 46 days na namatay ang aking ina. Sobrang bilis at eto matatapos na naman ang buwan ng Abril. Alam ninyo kahit na hindi ako nag-blog ng mga nakaraang linggo. Ako kasi ay kasalukuyang abala sa aking negosyo. Hahaha Nagbebenta ako ng mga damit. Ah basta sinusuot ng babae man o lalaki. Eto talaga ang hilig ko bukod sa pagluluto. Ako'y nasisiyahan kapag ako ay nakakabenta. Iba ang kaligayahang aking nararamdaman. Teka puro ako na lang lagi ang nagkuwento. Kayo ano ang pinakagusto ninyong gawin sa buhay? May sasagot naman kaya sa tanong ko. Tingnan natin...